Sabado, Oktubre 8, 2016

Ang tungkol sa aking buhay

Isa lamang akong pangkaraniwang at simleng taong lumaki na may takot sa diyos,pinalaki ako ng aking mga magulang ng may mabuting puso at kalooban.Ako yong tipong tao na kahit saan anggulo akong tingnan ay hindi mawawala ang pagkamahiyain ko,Pag may problema ako at may pagsubok sa buhay ay dinadamdam ko nalang.Ako yong taong masayahin,makulit pero may tinatagong kalungkutan.Hindi ko din maitatangi na iyakin ako at magaling akong magkunwari na hindi na nasasaktan pero sa kalooblooban ko ay gusto ko nang umiyak pero hindi ako umiiyak na may nakakakita sa akin .Pag umiiyak ako gusto ko sa gabi para walang nakakarinig at ako lang mag-isa.Dahil gusto kong mag-isa pag nalulungkot ako o umiiyak ako.


Ako yong taong masasabi mo na hindi binyayaan ng talento sa buhay, hindi marunong sumayaw,kumanta ,at iba pang talento. Pero hindi ko sinasabi na hindi  ako mapalad ,dahil pinanganak akong na kuntento ako sa itsura ko,proud ako sa ugali ko,masaya ako sa boung pagkatao ko, dahil pinanganak akong totoo.Minsan tahimik, minsan makulit, parang walang excitement sa buhay ko.Pero sa kabila ng lahat ako ay punong puno ng pangarap sa buhay,at hindi ako nawawalan ng pag-asa sa buhay.


Sa pagpunta ko dito sa Davao City upang dito ipagpatuloy ng aking pag-aaral,dito naranasan na mawalay sa pamilya.At naging mahirap ang naging buhay ko dito noong una,dahil ito palang ang unang pagkakataon na na malayo ako sa pamilya ko at hindi ako sanay na wala sila sa tabi ko .Walang inang gumagabay sayo at walang amang nagbibigay sayo ng mga payo,at walang mga kapatid na makikita mo.Walang araw na hindi ko sila niisip,pero ganyan talaga ang buhay kailangan magtiis at magsikap para sa kanila. kaya gagawin ko ang lahat para masuklian ko ang lahat ng ginawa nila sa akin at maipagmamalaki nila ako .











                                            "ANG TULA NG AKING BUHAY"


                Ang buhay ay binubuo ng katwiran at tagumpay
                bunga ng pag-ibig,pagtiis at,pagsisikap ng
                 magkahalong lungkot at kabiguan
                 na ayawan mo man ay di maiiwasan.

                 Ano ba ang aking buhay sa silong ng langit
                 talinghaga ba? o panaginip?ligaya at tamis
                 ba ang kasukli ng aking paghihirap?
                 o isang laruan ng dusa't hinagpis.

                  Kung isipin itong aking buhay ay isang
                  pusong maykapal kahit nasa't tuwa may
                  luha kang minsan luha ang pang-aliw
                  ko sa pusong sugatan!

                   Palibhasa'y akoy anak ng mahirap
                   kaya ang lahat ng itoy aking matitiis.

                   Sa paraan ng buhay bansa man ang damo'y
                   Napapag-amoy rin ang kamay ng  tao.....
                   Sa paningin ng iba 'y ako'y marumi
                   ngunit sa ilong ng dagat,ako'y mabango
                   pag nasa bukid din gamitb ay palasyo.

                   Malinis man ang bato,matiagas parin
                   mabuti pa'y sa pasa nagsisilasok,
                   Ano mang dumi ng tubig sa ilog,
                   nakakalinis din sa taong may lumot!
           
                   Ano ang pag-ibig kung walang mahalan!
                   Ano ang pagsinta kung walang suyuan!
                   Kung walang pag-ibig libo mang pag-asa
                   ay dusa sa puso at luha sa mata.
 
                   Aanhin ang buhay kung walang pag-ibig
                   wala ang mundo kung wala ang langit!
                   kung ang buhay ko'y isang panaginip
                   managinip nalang sa suyong matamis.......

                   Lahat ng kahirapan ay dapat tiisin
                   di lahat ng oras ako'y maninimdim
                   habang may liwanag sa aking silangan
                   Pag asa'y lalapit at kusang darating.

                   Sa silong ng langit,mabilog
                    ang gulong;kaya kung ako'y
                   mahirap,matutung magtiis di lahat ng oras ,
                   ay itim ang silahis.

                   Kaya kung ika'y mapalad gamitin ang isip!
                   Madalingmagdilim ang masayang langit....

 
                   "At yan ang tula ng aking buhay",
                     Ang hirap mo bukas,hulaan  mo ngayon.      
 







                                                 " AKO AT ANG KAHAPON"


                     Mahirap mamuhay sa mundong hindi mo nakasanayan,
                     Mahirap makibagay sa mga taong iba ang kulturang kinalakihan.
                     Mahirap sumabay sa mga taong naninibago ka lamang,
                     Mahirap sumabay sa agos ng buhay na hindi mo alam kung saan ang patutunguhan.

                     At higit sa lahat mahirap maging ikaw,kung ikaw ay walang katulad sa kanila.
                     lumaking maraming takot sa buhay kaya nasanay na nandiyan lagi ang pamilya,
                     Upang makatayo sa sariling pagkadapa,Ngayon kailangan masanay na tumayo
                     sa sariling paa.At malayo nasa kanila ng panandalian.

                      Upang makamit ang minitmithi nila sa aking buhay.
                      Mahirap mamuhay na nag-iisa,lahat sinusubukan mong gawin
                     kahit na naninibago ka palang.Mahirap sumabak sa buhay ,
                      at mahirap makihalobilo sa maraming tao na ikaw lang ang naiiba.

                       Mahirap ang walang nakakaintindi sayo kundi lamang ang yong sarili.
                       Pero sa lahat ng dumating na pagsubok sa aking buhay ay kakayanin,
                      wala tayong magagawa sa ating kapalaran at tanggapin nalang na
                       lahat ng pagsubok ay may kapalit ng kaginhawaan.




2 komento: